CCTV gagamitin ng MMDA sa pagmonitor sa mga lumalabag sa Anti-Distracted Driving Act

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 2358

CCTV
Isinasaayos na ng Metro Manila Development Authority ang lahat ng kanilang mga close circuit televison camera bilang paghahanda sa pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, walang lusot ang sinomang mahuhuli dahil recorded ito ng video hindi gaya ng mahuhuli lamang ng isang traffic enforcer.

“Nakikita mo gumagamit ng device, tatawagin mo hindi na niya hawak yun, bibitawan na nya yun magaaway kayo, hindi ako nagttxt nandun ang phone ko nasa baba eh.”
Pahayag ni Carlos

Kabilang probisyon ng batas ay ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone o anumang gadget kahit nakatigil ang sasakyan sa stop light.

Limang libong piso ang parusa sa unang paglabag, sampung libong piso sa ikalawa at labing limang libong piso sa ikatlong paglabag kabilang na ang suspension ng drivers license.

Dalawampung libong piso naman sa ika apat na paglabag at kanselasyon ng lisensya.

(UNTV RADIO)

Tags: ,