CCTV footage nang araw na dalhin sa Camp Crame ang kidnap victim na si Jee Ick Joo, napatungan na – PNP

by Radyo La Verdad | January 20, 2017 (Friday) | 855

GRACE_FOOTAGE
Ginagawa na ngayon ng PNP ang lahat ng paraan para ma-retrieve ang cctv footage sa loob at labas ng Camp Crame na magpapatunay sa umano’y krimeng ginawa ng grupo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel at mga kasabwat nito.

Kasunod ito ng pahayag kahapon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na nakaramdam siya ng pagkamuhi nang malamang sa loob ng Camp Crame posibleng pinatay ang dinukot na Korean businessman na si Joo Ick Jee.

Ayon kay PNP Spokesperson PSSupt. Diocardo Carlos, posibleng napatungan na ang footage ng cctv ng araw na dalhin si Joo sa kampo dahil ilang buwan na rin ang nakalilipas matapos ang insidente.

Susubukan ring kunin ng PNP ang record ng headquarters support service sa mga personel na nakaduty noong October 18.

Dahil sa insidente, lalo pa umanong maghihigpit sa seguridad ang PNP sa loob at labas ng Camp Crame.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,