Cashless transaction sa mga expressway, epektibo na simula ngayong araw

by Erika Endraca | December 1, 2020 (Tuesday) | 1550

METRO MANILA – Epektibo na simula ngayong araw (Dec. 1, 2020) ang cashless transaction sa mga expressway.

Ibig sabihin, hindi na maaaring tumanggap ng cash payment sa mga tollway.

Kaugnay nito, nagpapa-alala ang Toll Regulatory Board (TRB) na maaari pa rin namang makapagpakabit ng RFID stickers.

Pumunta lamang sa mga participating installation centers na matatagpuan sa halos lahat ng expressway.

I-check din ang official social accounts ng easytrip at autosweep upang makita ang listahan at address kung saan pwedeng magpakabit ng RFID sticker

Mayroon ding open 24/7 din na RFID sticker installation centers, kaya maigi pong bisitahin ang official social media accounts ng Toll Regulatory Board upang makita ang lokasyon ng mga ito.

Para naman sa iba pang detalye tungkol sa implementasyon ng cashless transaction sa expressway, makikita ang posted frequently asked questions sa @trb.gov.ph facebook page

Maaari din pong makipag-ugnayan sa mga numerong, 02-8631-5901, 0919-560-9527, at 0915-163-6468.

Bukas po ang hotlines na binanggit Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Pwede ring magpadala ng mensahe sa email na records@trb.gov.ph.

Tags: ,