Cashless payment sa mga PUV, isinusulong ng DOTr

by Radyo La Verdad | December 5, 2022 (Monday) | 3381

Dalawampung (20) mga modernong jeep sa Quezon Province ang kinabitan na ng automated fare collection system ng Department of Transportation, sa pamamagitan ng device na ito, maaari nang maging cashless ang pagbabayad ng pamasahe.

Kailangan lang i-tap ng pasahero ang kanilang reloadable payment card na tripko isang cashless payment sa pampublikong sasakyan.

Bukod sa Quezon Province, susubukan na rin ng DOTr ang paglalagay ng cashless payment sa 150 modern jeep sa mga piling lugar sa National Capital Region, Region 3, Calabarzon, at Metro Cebu.

Ang mga Tripko Card ay libre pang makukuha sa ilang piling bus terminals gaya ng PITX gayundin ang ilang participating stores.

Sa ngayon, mayroon nang nasa 1.5 million na mga libreng Tripko Cards ang nairelease sa mga commuter sa Maynila, Batangas, Laguna, Alabang, PITX, Lawton, Cebu, Tacloban, at Davao.

Bahagi ito ng proyekto ng DOTr para gawing iisang sistema ang “cashlesh payment” sa lahat ng mga pampublikong transportasyon sa bansa.

JP Nuñez | UNTV News

Tags: , ,