Cash for building livelihood asset na nagkakahalaga ng mahigit 500-million pesos inilaan para sa mga mahihirap na lalawigan sa Eastern Visayas

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1213

livelihood
Nagtutulong-tulong na ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan sa Eastern Visayas upang mabawasan ang poverty incidence na naitala ngayong taon sa rehiyon kung saan sinabi ng National Economic Development Authority o NEDA na nangunguna ang rehiyon sa mga pinakamahirap na lugar sa bansa.

Ayon kay DSWD Regional Director Nestor Ramos, naglaan na sila ng pondong aabot sa 581-million pesos sa mga lokal government units sa anim na probinsya ng rehiyon para sa kanilang proyektong tinatawag na “cash for building livelihood asset”.

Sa proyektong ito target na matulungan ng DSWD ang halos 200-thousand beneficiaries kung saan tutulungan ng ahensya na maitayong muli ang mga hanapbuhay ng mga displaced families.

Ilan sa mga proposed project na natatanggap na ng ahensya ang vegetables farming, fishing at food processing.

On-going parin ang cash for work ng ahensya sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno ng saging at mangroves sa Ruby affected areas sa Samar.

Samantala, nilinaw rin ng DSWD na hindi sila magbibigay ng puhunan ng livelihood indibidwal maliban na lamang kung ang pamilya ay biktima ng illegal recruitment.(Jenelyn Gaquit/UNTV Correspondent)