METRO MANILA – Binigyan pa ng hanggang May 15 ang mga lokal na pamahaalaan sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan Para ipamahagi ang P1,000-P4,000 cash aid sa mga residenteng naapektuhan ng 2 Linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“Ini-extend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-kinse ng Mayo 202” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nauunawaan nila na kailangan ng mas mahabang panahon ito
Bunsod ng limitasyon sa bilang ng kukuha at maasikaso ng bawat LGU sa isang araw.
Nasa diskresyon ng mga lokal na pamahalaan ang pamamaraan ng pamamahagi ng ayuda tulad ng automated o kung bahay-bahay.
P23-B ang halaga ng emergency subsidy ang kinakailangang maipamahagi sa 22.9 million low income earners sa NCR plus areas.
“Yan po ang toka ng gobyerno na pagbibigay ng financial assistance 23 Billion po sa ngayon ang ibinibigay nating financial assistance” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development, higit na sa 7.4 million na mga mamamayan ang nakatanggap ng assistance.
(Rosalie Coz | UNTV News)