Case management sa batang mistulang ginawang tuta, nagpapatuloy

by Radyo La Verdad | May 27, 2015 (Wednesday) | 1912

BATA
Patuloy na pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development kung anong reklamo ang maaaring ihain laban sa ina ng batang tinalian sa leeg na mistulang isang aso na kumalat sa social media kamakailan.

Una nang sinabi kahapon ng DSWD Region 3 na posibleng sampahan ng kasong child abuse ang ina ng bata dahil sa kanyang ginawa.

Tinitignan ng DSWD kung may paglabag sa Anti Violence Against Women and Children Act ang ina ng bata.

Sa ilalim ng batas na ito, ipinagbabawal ang physical, sexual, at psychological violence.

Kung mapatunayang may paglabag , maaari makulong ng isang buwan at isang araw hanggang limang taon ang ina ng bata.

Pagmumultahin din ito ng 100,000 to 300,000 at isasailalim sa psychological at psychiatric counselling.

Base naman sa inisyal na findings ng hospital na tumingin sa bata, walang nakitang bakas ng pisikal na pananakit ngunit inoobserbahan pa rin ito.(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: