Car pooling service ng Uber, nagsimula na ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 3930
(Photo credit: UNTV)
(Photo credit: UNTV)

Pwede nang makatipid ang mga commuter papunta sa kanilang mga opisina kung sila ay gagamit ng UberPOOL.

Dito maaari nang mag-share sa isang taxi ang mga pasahero na may iisang destinasyon.

Mas mababa rin ng hanggang 20-porsiyento ang pamasahe, may kasama man o wala ang pasahero.

Sa mga nais sumakay sa Uber-pool kailangan lamang i-download ang Uber application.

Pagkatapos magregister, ilalagay lamang kung saan ang pick-up location at destination.

Saka lalabas kung magkano ang estimated fare o pamasahe.

Sa pagaaral na ginawa ng LTFRB ang 18 sasakyan na may 28 pasahero ay katumbas lamang ng 10 UberPOOL.

Kaya naman tiyak anila na makakabawas ito sa dami ng mga sasakyang bumabyahe sa major roads araw-araw.

August 2014 nang unang i-launch ng kumpanyang Uber ang car pooling.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,