Campaign period, umpisa na ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 9, 2016 (Tuesday) | 2614

SHAME-CAMPAIGN
Simula na ngayong araw ang national campaign para sa mga partylist at mga kandidato sa pagka- presidente, bise-presidente at senador.

Magsisimula ng kanilang kampanya sa Roxas City sa umaga at Iloilo City kinagabihan ang tambalang Mar-Leni.

Ang tandem nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero tandem ay magsasagawa ng kick off rally sa Plaza Miranda sa Maynila.

Sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Caye­tano ay sa Tondo, Manila pasisimulan ang kanilang pangangampanya.

Sina Vice-President Jojo Binay at Sen. Gringo Honasan naman ay sa Mandalu­yong City.

Sina Sen. Mi­riam Defensor-Santiago at Sen. Bongbong Marcos ay magsisimula ng kampanya sa Batac, Ilocos Norte.

Kaugnay nito ay inilunsad ng MMDA ang “Oplan Baklas” laban sa mga campaign materials na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, nasa 100 tauhan ng MMDA ang magkukutkot sa mga nakadikit na mga posters at stickers at magtatanggal ng mga tarpaulin na nakasabit sa sa labas ng “common poster areas” na deklarado ng Comelec.

Kada na lang mag-eeleksyon, may mga poster na nakakabit sa mga poste, puno, at maging sa mga kawad ng kuryente na maaaring maging sanhi ng pagkapatid ng kawad at maaaring pag-umpisahan ng sunog.

Sa mga nais magsumbong tungkol sa mga campaign materials na iligal na ikinabit sa kanilang lugar, maaring makipag-ugnayan sa Metrobase 136 ng MMDA.

Tags: ,