Maaari nang mangampanya ang mga kandidato na sasabak sa barangay at Sangguniang Kabataan elections simula ngayong araw hanggang ika-12 ng Mayo.
Ngunit kasabay nito ay nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga kumakandidato.
Base sa April 11, 2018 resolution ng Comelec, ang campain posters ay dapat lang ilagay sa mga itinalagang common poster areas.
Ang sukat ng mga campaign paraphernalia gaya ng stickers, leaflets, cards at decals ay hindi dapat lalagpas sa lapad na 8 1/2 inches at taas na 12 inches.
Ang mga posters naman ay hindi rin dapat lalagpas sa 2 by 3 feet habang 3 by 8 feet naman sa mga streamer.
Sinomang mapapatunayang lalabag dito ay posibleng madikswalipika, makulong mula isa hanggang anim na taon at pagmulhatin ng hindi bababa sa 10-libong piso.
Panawagan ni DILG Usec. for Barangay Affairs Martin Diño sa publiko na kunan ng litrado at video ang mga campaign material ng mga kandidato na hindi nakalagay sa tamang lugar.
Ireport ito sa DILG o sa Comelec para masampolan ang mga pasaway na kandidato.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com