Isinailalim na sa State of Calamity ang lalawigan ng Camarines Sur matapos salantain ng bagyong Nina.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, kailangan na nilang magamit ang calamity fund ng probinsya dahil sa lawak ng pinsalang iniwan ng bagyo.
Matatandaaang sa Camarines Sur nag-landfall sa pangalawang beses ang bagyo matapos itong dumaan sa Bato, Catanduanes kahapon.
Maraming istraktura ang nawasak at may mga poste at punong kahoy ding nabuwal.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa mahigit dalawampung libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo mula sa dalawampu’t dalawang munisipalidad ng Camarines Sur.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng relief operations ang mga otoridad sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Tags: Camarines Sur, dahil sa iniwang pinsala ng bagyong Nina, isinailalim na sa state of calamity