Calumpit District Hospital, bukas na sa publiko matapos isara ng 2 linggo dahil sa baha

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 11009

NESTOR_CDH
Binuksan nang muli ngayong umaga sa publiko ang Calumpit District Hospital na isa sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha dahil sa bagyong Lando.

Subalit ayon sa Calumpit District Hospital,sa medical check up muna ang prioridad ng ospital at hindi muna maaaring mag-admit ng pasyente dahil hanggang sa kasalukuyan ay inaayos pa rin ang mga pasilidad dito.

Patuloy pa rin ang ginagawang paglilinis, pagpipintura, at pag sasa-ayos ng mga gamit.

Dalawang linggong isinara ang ospital sa Calumpit matapos itong malubog sa tubig baha.

Sakali namang maayos ang kwarto at kakailanganing gamit ay tuloy-tuloy na ang operasyon ng ospital.

Marami ding gamit sa ospital ang nasira ngunit ang mga posibleng magamit pa ay nilinis at nilabhan upang mapakinabangan pa.

Humingi naman ng tulong sa local na pamalaan ng Bulacan ang Calumpit District Hospital na mapalitan ang mga nasirang medical equipment.(Nestor Torres/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,