Cagayan de Oro City, isinailalim na sa state of calamity

by Radyo La Verdad | January 17, 2017 (Tuesday) | 2152

cdo-state-of-calamity
Isinailalim na sa state of calamity ang buong Cagayan de Oro City.

Ito ay kasunod ng epekto ng matinding pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan simula kahapon.

Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na ideklara ang state of calamity sa lungsod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council upang magamit ang calamity fund sa mga apektadong residente.

Tinatayang mahigit sa apat na libo ang lumikas sa kanilang tahanan at pansamantalang nananatili sa evacuation centers dahil sa pagbaha.

Kablang ang Cagayan de Oro City sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na apektado ng pag-ulan dulot ng low pressure area at tail end of cold front na umiiral sa Zamboanga Peninsula.

Tags: ,