Cabinet Secretaries na dumalo sa araw ng gathering of friends ng Administrasyon sa Club Filipino dapat ay nag leave ayon sa kampo ni VP Binay

by Radyo La Verdad | August 5, 2015 (Wednesday) | 2695

PNOY GATHERINGS
Patuloy ang palitan ng pahayag sa pagitan nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda at OVP Media Affairs Head Joey Salgado ukol sa isyu ng tila pamimilit sa mga estudyante ng Cavite State Universities na dumalo sa kontra SONA ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Salgado kung patuloy na gagawing isyu ni Secretary Lacierda ang pag-attend ng mga estudyante ng Cavite State University sa true SONA ni Vice President Binay, ipinapaalala nito na office hours pa ng isagawaang gathering of friends sa Club Filipino na dinaluhan ng mga Cabinet Secretaries at iba pang government officials.

Sinabi ni Salgado dapat na nag-file ng leave ang mga nasabing miyembro ng gabinete na dumalo sa gathering of friends ang araw din na inindorso ng Pangulo si DILG Secretary Mar Roxas bilang kandidato ng LP sa Presidential Elections.

Tinatanong rin ni Salgado si Lacierda kung na saan na ang sagot ng Malacanang sa mga sinabi ni VP Binay sa kanyang true SONA.

Kabilang sa mga inilahad ni VP Binay sa kanyang TSONA ang resulta ng social weather stations ukol sa patuloy na pagdami ng mahihirap na pilipino makalipas ang limang taon ng Aquio Administration, pagbabawas ng budget sa State Universities and Colleges at problema sa MRT at DOTC.

Sinagot naman ni Secretary Lacierda ang isyu ukol sa pagdalo ng mga Cabinet Secretary sa Club Filipino.

Ayon pa kay Lacierda hindi kapani-paniwala na hindi alam ng mga opisyal ng Cavite State University na ang guest speaker ay ang Pangalawang Pangulo.(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,