METRO MANILA – Pinayuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga pasahero ngayong long holiday na agahan ang pagpunta sa mga airport.
Itoý upang maiwasan ang anomang aberya o maiwan ng kanilang flight.
Sa ngayon ay pinaghahandaan ng mga airport sa bansa ang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe sa long holiday.
Payo ng CAAP sa mga pasahero pumunta ng 2 hanggang 3 oras na mas maaga sa airport upang makaiwas sa anomang aberya.
Pinapayuhan rin ang mga biyahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay sa eroplano upang hindi na matagalan sa pagcheck-in ng mga bagahe.
Tiniyak naman ng CAAP na nakausap na nila ang mga airline company, para sa pagdaragdag ng manpower sa mga check-in counters upang maiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero.
Sa ngayon ay pinagbabawalan muna ang mga airport employee na mag-file ng leave, upang masiguro na may sapat na personnel na aasiste sa mga pasaherong bibiyahe sa long holiday.
Tags: CAAP, long holiday