CAAP: dahilan ng pagbagsak ng CESSNA 340A sa Mt. Mayon, hindi parin tukoy

by Radyo La Verdad | February 24, 2023 (Friday) | 5699

METRO MANILA – Hindi pa rin tukoy ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak Cessna plane 340A sa dalisidis ng Mt. Mayon noong Sabado February 18.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), isa sa inaalam ngayon ay kung bakit walang blackbox ang Cessna plane.

Dagdag pa ng CAAP posibleng hindi nakapasa sa weight restriction ang naturang eroplano kaya hindi ito nalagyan ng blackbox.

Kasama din sa aalamin ng CAAP, kung nakakasunod ba ang operator o may-ari ng Cessna 340A sa annual inspection.

Bukod sa machine malfunction tinitignan din ng CAAP ang anggulong human error sa nangyaring aksidente.

Samantala natagpuan na ang labi ng 4 na pasahero ng bumagsak na eroplano.

Kumukuha na lang ng tiyempo ang mga otoridad para maibaba sa dalisdis ng bulkan ang 4 na katawan.

Tags: ,