CA Presiding Justice Andres Reyes, itinalagang bagong SC Associate Justice ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | July 14, 2017 (Friday) | 2102


Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Supreme Court Associate Justice si Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes Jr.

Si Justice Reyes ang pangatlong Associate Justice na itinalaga ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema.

Pinalitan nito ang nagretirong si Associate Justice Bienvenido Reyes.

Samantala, ang dating Defense Undersecretary, NDRRMC Executive Director at Retired Army General na si Ed del Rosario ang itinalaga bilang bagong chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Si Vice President Leni Robredo ang dating may hawak sa pwesto subalit nagresign ito.

Nagbitiw naman sa pwesto si Del Rosario bilang NDRRMC Executive Director sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa health reasons.

Magugunitang tinuligsa noon ang NDRRMC dahil sa mabagal umanong pagresponde at paglalabas ng ulat sa bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng super typhoon Yolanda

Si Raul Lambino naman ang itinalaga bilang Administrator at Chief Executive Officer with Cabinet Rank ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA.

Si Lambino ay dating abugado ni Former President Gloria Arroyo sa nadismissed na kasong plunder sa Sandiganbayan.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,