Byahe ng PAL papunta at galing ng Osaka Japan, kanselado hanggang ika-12 ng Setyembre dahil sa Typhoon Jebi

by Radyo La Verdad | September 6, 2018 (Thursday) | 5959

Kanselado ang lahat ng biyahe ng Philippine Airlines (PAL) papunta at galing ng Osaka, Japan hanggang sa Miyerkules, ika-12 ng Setyembre. Ito ay dahil nanatiling sarado ang Kansai International Airport na labis na naapektuhan ng Typhoon Jebi. Nagdulot ng mga pagbaha at pagkasira sa airport facilities ang bagyo.

Ilan sa mga kanseladong flight hanggang ika-12 ng Setyembre ay ang PR408 Manila to Osaka, PR407 Osaka to Manila. PR410 Cebu to Osaka at PR409 Osaka to Cebu at PR896 Taipei to Osaka at PR897 Osaka to Taipe.

Ang mga pasahero mula Kansai pauwi ng Manila ay maaring magre-route mula Tokyo Haneda o Tokyo Narita. Sa mga pauwi naman ng Cebu maaring magre-route sa Nagoya at Toko Narita.

Kung manggagaling naman Manila papuntang Osaka, maaring bumyahe papuntang Nagoya, Tokyo Narita o Tokyo Haneda at magland travel na lamang papuntang Osaka.

Habang ang manggagaling naman sa Cebu ay maaring bumiyahe papuntang Nagoya o Tokyo Narita at magland travel papuntang Osaka.

Simula pa noong Lunes ay umabot na sa limampu’t lima ang nakanselang byahe ng PAL sa Osaka dahil sa Bagyong Jebi.

Para sa iba pang impormasyon, bumisita lamang sa official website at facebook account ng PAL.

 

 

Tags: , ,