Buwan ng Enero, idineklara bilang National Bible Month ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | January 4, 2018 (Thursday) | 3743

Base sa reserch ng Philippine Bible Society o PBS noong 2011, 55% ng pamilya sa bansa ay walang sariling Biblia. Kaya naman ikinatuwa ng mga ito ang Presidential Proclamation Number 124 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang pagdiriwang ng National Bible Month sa bansa tuwing buwan ng Enero.

Hinikayat ng PBS ang publiko lalo na ang mga opisyal ng pamahalaan na maglaan ng oras para magbasa ng Biblia. Simula pa noong 1998, nag-iikot na sa mga paaralan sa bansa ang Bible Readers o Bread Society International.

Layunin ng grupo na mailayo sa masasamang bisyo ang mga kabataan at ilaan ang kanilang mga oras sa pagbabasa ng Biblia.

Ayon kay Bro. Eli Soriano ng Members Church of God International at host ng programang Ang Dating Daan, ang Biblia ay isang mahalagang bagay na pamana ng Dios sa mga tao kaya hindi ito dapat balewalain.

Kasabay ng simula ng pagdiriwang ng National Bible Month, nagbigay ng nasa 300 Biblia ang Members Church of God International o MCGI sa Provincial Library ng lalawigan ng Cavite.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,