BUTUAN, Agusan del Norte – Sa kabila ng mga traffic seminar at mga paalala ng Land Transportation and Traffic Management Office (LTTMO) ay tila walang nangyayari at marami pa ring lumalabag sa batas trapiko.
Una sa listahan ng top 10 traffic violations sa Butuan City ang disregarding signal devices and traffic lights kung saan umabot na sa mahigit dalawang libo ang lumabag dito mula Enero ngayong taon.
Sinundan ito ng obstrution o impending free passage at walang side mirror.
Bunsod nito, hihigpitan na ang implementasyon ng batas trapiko at sasampahan ng reklamo ang mga lalabag dito.
Tiniyak naman ng LTTMO na magiging patas sila sa pagpapatupad ng mga batas trapiko at walang diskriminasyon o papaboran dito.
Una nang pinuri ng ibang syudad tulad ng Bislig City at Tacurong City ang LTTMO dahil sa kanilang paraan ng pagpapatupad ng traffic laws
( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )