Butterfly farm sa Rizal, patok ngayon sa mga turista

by Radyo La Verdad | January 10, 2018 (Wednesday) | 3378

Bukod sa mga bundok at water falls, isa sa dinadayo ngayon sa probinsya ng Rizal ang trobe butterfly farm. Bukod sa nakakarelax ang lugar, tinatangkilik na din sa ibang bansa ang mga produkto na galing sa naturang farm.

Mula sa bayan ng Tanay, dalawang oras ang lalakbayin bago marating ang farm na nasa barangay Daraitan. 12 klase ng paru-paro ang makikita sa lugar. Isa dito ang mariposa butterfly na tumatagal ang buhay ng 2 hanggang 3 buwan at nakakapangitlog ng tatlong beses.

Ayon sa may-ari ng butterfly farm na si Isagani Loreto, nakahiligan nilang mag-asawa ang mangolekta ng paru-paro dahil nakakarelax ito.

Ang hilig ay dinevelop nila na maging isang negosyo. Hindi mahirap ang maintenance sa lugar dahil baking soda at suka lang ang kailangan.

Ang mga namamatay na paru-paro ay ginagawa naman nilang mga souvenier items o mga pang dekorasyon wall clocks, frame at keychain.

Hindi lang sa Pilipinas tinatangkilik ang kanilang produkto dahil iniexport din ito sa ibang bansa.

Bukod sa Daraitan, Tanay, Rizal, may butterfly farm rin ang pamilya Loreto sa Marinduque.

 

( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,