Naitaboy na ng tuluyan ng militar ang Maute group matapos ang ilang araw na pagkubkob sa bayan ng Butig sa Lanao del Sur.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, umabot sa 61 ang napatay na miyembro ng Maute group at labing dalawa ang sugatan.
Habang mahigit tatlumpung naman ang nasugatan sa panig ng mga sundalo.
Nilinaw ng AFP na ang lumang munisipyo ang pinasok ng Maute group at wala namang nasaktang residente.
Sa pinakahuling datos ng AFP, nasa 200 ang miyembro ng Maute at pitumpu ang armado.
Ngunit dahil sa nangyaring opensiba, dadaan uli ito sa information validation.
Dumipensa naman ang AFP sa akusasyon ng ilang grupo na walang nanguarng pananambang sa advance party ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinabibilangan ng pitong miyembro ng Presidential Security Group at dalawang sundalo.
Ikinatuwa rin ng AFP ang agarang pagbisita ng pangulo sa mga sugatang PSG member at sundalo sa pagsabog ng improvised explosive device sa Marawi City.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: Butig, clearing operation kumpleto na rin, Lanao del Sur, tuluyan ng nabawi ng militar sa maute group