Business sector, nangakong ititigil na ang pagpapairal ng Endo o Contractualization scheme – Sec. Bello

by Radyo La Verdad | November 2, 2016 (Wednesday) | 4808

aiko_bello
Natapos na ang serye ng dayalogo ng Department of Labor and Employment sa company management at labor sector kaugnay ng usapin sa Contractualization o ENDO scheme.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello The Third, isa sa mga panukala upang matigil na ang kontraktuwalisasyon ay pagturing ng service providers sa kanilang mga manggagawa bilang mga regular na empleyado.

Ipinanukala rin ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP ang mahigpit na pagpapatupad sa mga umiiral na batas na nagbabawal sa ENDO sa halip na magsulong pa ng mga reporma sa sector ng paggawa.

Sinabi rin ng kalihim na hindi naman tumututol ang management sector sa inisyatibo ng pamahalaan na alisin nang tuluyan ang endo scheme

Nakatakdang ilabas ng DOLE ang pinal na posisyon sa usapin ng ENDO pagkatapos ng labor summit na gaganapin sa Mindanao at Cebu ngayong Nobyembre.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,