Business One Stop Shop’, ilulunsad ng Manila City LGU

by Erika Endraca | July 22, 2019 (Monday) | 7149

MANILA, Philippines – Ilulunsad ngayong araw ng Manila City government ang Business One Stop Shop (BOSS)  para mapadali ang pagnenegosyo sa lungsod.

Pirmado na ni Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 8 na layong pabilisin ang pagkuha ng business permits sa Maynila.

Mula sa dating 11 steps at 11 windows, makukuha na ang business permit sa loob ng 1 araw sa 3 steps lamang.

“Sa lunes, ang business permit, three steps in one window in one day” ani Manila city Mayor Isko Moreno.

Sa ilalim ng naturang eo, nakasaad dito ang pagbuo ng year-round bagong manila boss para i-promote ang mas madaling pagnenegosyo sa maynila.

Ang Manila City business center o taxpayer’s lounge ang magiging opisina ng BOSS na matatagpuan sa ground floor ng Manila City Hall Taft Wing.

Dahil dito, mabilis na ang pagkuha ng local business license, clearances, permits clearances, permits, certifications at authorizations dahil nasa iisang lugar na ang mga ito.

May personnel ang BOSS sa mga sumusunod na departments na nakahandang tumulong sa mga aplikante at taxpayers.

Samantala, ikinatuwa naman ng anti-red tape authority ang naturang programa at nanagawan sa iba pang local napamahalaan na gayahin ang ginawa ng alkalde ng Maynila

(April Cenedoza | Untv News)

Tags: , ,