Business establishments at kalsada sa loob ng CCP Complex, sarado muna sa publiko hanggang April 30

by Radyo La Verdad | April 26, 2017 (Wednesday) | 1100


Simula kaninang madaling-araw ay bawal munang pumasok sa loob ng Cultural Center of the Philippines o CCP Complex sa Pasay City.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, bahagi ito ng seguridad sa idinaraos na 30th ASEAN Summit.

Tatagal ang lockdown hanggang sa madaling araw ng April 30.

Kabilang sa saradong kalsada sa loob ng CCP Complex ay ang Vicente Sotto, Pedro Bukaned at Jose Diokno.

Nilinaw naman ni NCRPO Chief Albayalde na walang isinarang major roads sa Pasay City kaugnay ng summit.

Ngunit magpapatupad sila ng stop and go scheme para sa mga dadaang ASEAN leaders at delegates.

At bagamat wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad ng ASEAN Summit;

Nanawagan pa rin ang PNP sa publiko na maging alerto at agad isumbong ang mga kahina-hinalang tao o bagay.

Maaaring magtext sa PNP hotline na 0998-967-4498 o tumawag sa 911 para sa anumang emergency situation.

(Nel Maribojoc)

Tags: , ,