Hindi na pinapayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga bus driver na magmamaneho na sobra sa mahigit na anim na oras.
Ito ay pang maiwasan ang aksidente.
Nire-require na rin ng LTFRB ang mga bus company na kailangang may-karelyebo na ang driver kung mahaba ang biyahe.
Hindi rin pinapayagan na gawing karelyebo ng bus driver ang kanyang konduktor.
Ang sinomang lalabag sa kautusan ay pagmumultahin ng limang libong piso para sa first offense, sampung libo at tatlumpung araw na suspensyon ng prangkisa para sa second offense.
Anim na pung araw na suspensyon naman ang ipapataw sa ikatlong paglabag.
Tags: 6 oras, Bus drivers