METRO MANILA – Inatasan na ng Department of Health (DOH) ang Bureau of Quarantine (BOQ) na magpatupad ng mahigpit na screening sa mga pasaherong nangagaling ng ibang bansa kasunod ng kumakalat na COVID-19 Flirt Variant.
Sa ngayon ay inilagay na ng DOH sa heightened alert status ang lahat ng BOQ stations at iba pang concerned agencies upang mapigilan ang posibleng pagpasok sa bansa ng bagong variant ng COVID-19.
Paalala ng BOQ sa mga biyahero na manggagaling ng abroad, kumpletuhin ang detalye sa kanilang mga health questionnaire sa electronic travel application.
Pinapayuhan rin ang mga may sintomas ng COVID-19 na mag-home isolate upang maiwasan na makapanghawa ng sakit.
Batay sa monitoring ng World Health Organization (WHO), sinasabing ang Flirt Variant ang dahilan ng dumarami na namang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa ibang mga bansa.
Tags: COVID-19 Flirt Variant