Bureau of Immigration, nagbabala laban sa mga nag-aalok ng trabaho sa social media

by Erika Endraca | November 19, 2019 (Tuesday) | 29520

METRO MANILA – Pinagiingat ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko sa mga illegal recruiter na nag- aalok ng mga trabaho sa ibang bansa gamit ang social media.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, biktima ng human trafficking at illegal recruitment ang grupo ng mga kababaihan na nagpakunwaring mga turista papuntang singapore at malaysia na naharang sa naia nitong nakarang Linggo.

Napag alaman ng BI na ni-recruit ang mga ito ng sindikato bilang mga kasangbahay o household service workers sa bansang dubai gamit ang Facebook at ilan pang social media networking sites

Paalala ni Commissioner Morente, huwag makipag ugnayan sa mga hindi lisensiyadong recruiter at humingi ng kumpirmasyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Kung totoo ang inaalok na trabaho.

Tags: ,