Bureau of Immigration, mangangailangan ng mas maraming immigration officer kaugnay sa kampanya laban sa human trafficking

by Radyo La Verdad | August 9, 2016 (Tuesday) | 1444

victor_immigration
Sa tala ng Bureau of Immigration, noong 2015, aabot sa halos 46,000 Pilipino ang kanilang pinigilang umalis ng bansa dahil kaduda-duda ang tunay na dahilan ng kanilang pangingibang bayan.

Mula Enero hanggang Hunyo naman ngayong taon 20,316 na mga Pilipino ang pinigilan ng B-I na makaalis ng Pilipinas dahil pinaghihinalaang biktima ng illegal recruitment o human trafficking.

Hindi kumbinsido ang B-I na pagiging turista lang talaga ang pakay ng mga ito.

Ayon sa kawanihan nag iiba ang taktika ng mga sindikato ng human trafficking.

Dahil dito at kasabay na rin ng pagtaas ng bilang ng mga nangingibang bansa mangangailangan ng karagdagang pwersa ang ahensya upang mapaigting ang kampanya laban sa human trafficking,

Nasa 4,000 ang ideal na bilang ng kailangang immigration officers sa bansa upang mabantayan ang entry at exit points ng Pilipinas subalit sa ngayon nasa 575 lang ang nakadeploy sa mga port.

Umaasa ang ahensya na mapapahintulutan ng Department of Budget and Management at mabigyan ng pondo ang kanilang paghire ng mas maraming tauhan.

Samantala, nagpaalala naman ang B-I sa publiko na huwag basta basta maniniwala sa mga nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa upang huwag mabiktima ng human trafficking.

Payo ng ahenysa dumaan sa tamang proseso at makipag ugnayan lamang sa mga rehistradong recruiters ng POEA.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,