Bureau of Fire Protection, nangangailangan ng 30,000 bumbero

by Radyo La Verdad | February 22, 2016 (Monday) | 2340

MACKY_FIRETRUCK
Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection o B-F-P, mas tataas ang bilang ng mga sunog ngayong buwan ng Marso dahil sa nararanasang mas matinding tag-init sa bansa dahil sa el niño phenomenon

Ngunit kahit sinabi ng B-F-P na handang handa na sila sa pagpasok ng fire prevention month problema naman nila ang kakulangan sa bumbero.

Sa kasalukuyan, one is to two thousand ang international standard ratio ng isang firefighter sa bilang ng populasyon sa isang lugar kung kaya’t mangangailangan pa ng tatlumpung libong bumbero ang BFP upang makatugon sa International Fire Protection Standard

Bukod dito, marami ring munisipalidad sa buong bansa ang wala pang fire station kaya hindi nakatutugon sa 4 minute response time ang mga bumbero kapag may sunog.

(UNTV News)

Tags: ,