Buong pwersa ng Manila Traffic Enforcement Group, pinagbibitiw sa pwesto ni Manila Mayor “Erap” Estrada

by Radyo La Verdad | November 28, 2016 (Monday) | 991

joan_mayor-estrada
Pinagbibitiw na sa pwesto ni Manila Mayor Joseph Estrada ang nasa anim na raang tauhan ng Manila Traffic Unit dahil sa dami ng mga natatanggap na hinggil sa mga tiwaling local traffic law enforcer.

Ayon sa alkalde, layon ng hakbang na ito na malinis ang hanay ng law enforcers sa lungsod.

Kaugnay nito, ire-reorganize rin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang hanay ng MTPB at magtatakda ng mas strikong kwalipikasyon para sa lahat ng mga nagnanais na mag-apply bilang local traffic law enforcer.

Ngunit paglilinaw ng city government, maaari pa ring mag-apply ang mga dating tauhan ng MTBP ngunit depende pa ito kung papasa sila sa bagong requirements.

Ang Traffic Enforcement Unit naman ng Manila Police District ang inatasan ng lokal na pamahalaan na mangasiwa ng trapiko sa buong kamaynilaan.

Samantala, isang traffic super body rin ang binuo ng Manila City Hall na siyang mag-iisip ng mga bagong polisiya na ipatutupad sa lungsod upang masolusyunan ang problema sa mabigat na trapiko.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: ,