Isinailalim sa yellow alert ang buong Luzon dahil sa mababang supply ng kuryente ngayong araw matapos na bumagsak ang malalaking planta.
Inaasahang tatagal ang yellow alert hanggang mamayang alas-tres ng hapon.
Ang bumagsak na mga planta ay ang Sual 1 and 2, Malaya 1 and 2, Calaca 2, Sta.Rita 20, Limay 1, 3 and 4 at Angat 2.
Pinaghanda na rin ng meralco ang lahat ng mga miyembro ng interruptible load program upang makatulong sa supply ng kuryente
Wala namang naka-schedule na rotational brownout ang meralco ngayong araw sa kabila ng mababang supply ng kuryente.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: Buong Luzon Grid, mababang supply ng kuryente, naka-yellow alert