Bulto ng mga pasahero sa NAIA, inaasahan dadagsa simula ngayon araw

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 4095

Octavio-lina
Nakahanda na ang Manila International Airport Authority sa pagdagsa ng mga pasahero simula ngayon araw.

Tiniyak ng MIAA na nakipag-ugnayan na ito sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa ligtas na biyahe ng mga pasahero.

Nakipagusap na rin ang MIAA sa mga airline company upang mapabilis ang pag- check in ng mga pasahero upang maiwasan ang delay sa biyahe.

Magdaragdag ang mga airline company ng mga tauhan sa mga check in counter upang matugunan ang pangangailangan ng ng mga pasahero.

Nakipag-ugnayan na rin sa ibat ibang government agencies ang miaa gaya ng office for transportation security, Bureau of Customs, Immigration at Quarantine upang maiwasan ang abala sa mga pasahero.

Ang pangangalaga sa seguridad at traffic ay tutukan naman ng airport police kasama ang Aviation Security Group ng Philippine National Police at ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Magbabantay ang MMDA sa mga major roads patungo sa airport upang maiwasan ang mabigat na traffic lalo na sa terminal 3 kung saan kasalukuyang inaayos ang NAIA expressway.

Inaasaahang bibigat ang trapiko simula ngayong linggo kung kayat pinapayuhan ang mga pasahero na nasa airport na tatlong oras bago ang kanilang departure.

Nagpaalala naman ang miaa sa mga pasahero na limitahan ang mga kasamang maghahatid upang maiwasan ang congestion sa airport.

Pinaiiwasan rin na magdala ng mga ipinagbabawal na mga bagay upang makaiwas sa abala at mas mabilis ang pagpasok sa mga screening check points, pwedeng gamitin ang mga self inspection kiosk sa labas ng terminal upang ma check na ang mga gamit bago pumasok sa loob.

Samantala, noong nakaraang taon, umabot sa mahigit isang milyon ang pasahero sa naia mula March 27 hanggang April 6.

Nasa mahigit limang daang libo ang departure at mahigit limang daang libo rin ang arrivals.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: