METRO MANILA – Bumaba na ang posibilidad na magkaroon ng isang mapanganib na pagsabog ang bulkang Taal.
Base ito sa 2 Linggong monitoring PHIVOLCS, mahina na rin ang pagbuga nito ng sulfur dioxide.
Kaka-unting volcanic earthquakes na rin ang naitala ng ahensya na nagpapahiwatig na hindi na aktibo ang magma nito.
Kaya mula sa alert level 4 ibinaba na ito ng ahensya sa alert level 3. Pero binigyang diin ng PHIVOLCS nananatili pa rin ang banta ng pagsabog ng bulkan.
“Alert level 3 ay nangangahulugan na may agbabang tendency ng mapanganib na eruption pero hindi po dapat nating sabihin na tumigil na ang aktibidad sa bulkan om di kaya ang panganib sa hazardous eruption ay nawala nandun po yun pero maliit”ani PHIVOLCS Dir Renato Solidum Jr.
Sa alert level 3 maaari pa ring magkaroon ng mahihinang pagbuga ng usok mula sa bulkan at lethal volcanic gas. Posible pa ring magkaroon ng ash fall, at volcanic earthquake.
Kaya hindi pa rin umano ligtas para sa lahat ng mga residente na bumalik sa kanilang mga bahay.
“Ang atin pong local na pamahalaan ay dapat mag assest ng mga damages outside of seven kilometers dapat mag asset ng damage sa mga bahay lupa at mga kalsada at palakasin ang kahandaan ang contingency planning pagreresponde sa mga panganib at ofcourse ang communication system nila.” ani PHIVOLCS Dir. Renato Solidum Jr.
Sinabi pa ni Dir Solidum na patuloy ang gagawin nilang monitoring sa aktibidad ng bulkan Taal.
“Kung sakali pong may pagbabago sa ating binabantayang parametro at umakyat uli ang mga parametrong ating binabantayan patungo doon sa posibleng hazardous explosive eruption mag taas po ui tayo balik sa alert level 4″ani PHIVOLCS Dir. Renato Solidum Jr.
(Japhet Cablaida | UNTV News)
Tags: Bulkang Taal, PHIVOLCS