Bulacan Youth Volunteer Network, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 1547

nestor_youth-network
Isinusulong ngayon ng local na pamahalaan ng Bulacan sa mga kabataan bulakenyo ang Youth Volunteer Network na layun buhayin at pasiglahin ang diwa ng bolunterismo ng mga kabataan.

Hinihikayat ang mga kabataang bulakenyo na maging miyembro at maging aktibo ng organisasyon at maging solusyun sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad sa pamamagitan ng pakikiisa ng programa ng Provincial Youth Sports, Employment and Development Office o PYSEDO.

Bawat miyembro ay maaring mag volunteer at pumili sa ibat-ibang areas of engagement tulad ng disaster risk reduction ang management council, employment and entrepreneurship, peace and order, sports, history, arts, culture ang tourism, health nutrition at education and values formation.

Ang mga miyembro ay maaring makatangap ng benepisyo tilad ng membership identofication card, libreng pagsasanay, healthcards,diskuwento sa piling establisimento at magiging pangunahing priyoridad ng pamahalaang panlalawigan sa mga livelihood at skills traning.

Ang mga kabataang nais maging miyembro ng Bulacan YVNET ay kinakailangan lamang na magsumite ng filled out individual volunteer registration form sa pysedo sa initalagang municipal/ city coordinator sa kanikanilang bayan o lungsod.

Kaalinsabay ng programa, binigyan rin ng gintong kabataan award ang labing limang natatanging kabataang bulakenyo na nagbahagi ng kakayahan at talino sa pamayanan.

Ikinatuwa naman ng mga nagwagi ang parangal na kanilang natanggap.

Sinabi ng mga ito na malaking hamon para sa kanila na patunayan ang ksabihang ang kabtaan ang pag-asa ng bayan.(Nestor Torres/ UNTV Correspondent)

Tags: ,