Bukas at malayang trade investment, sentro ng mas pinaigting na kampanya ng APEC

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 1345

APEC-3
Matapos ang financial crisis, patuloy ang pagtuon ng APEC sa layuning mas mapalago ang ekonomiya at antas ng kabuhayan sa rehiyon.

Taong 1999 sa APEC Meeting sa New Zealand, napagkasunduan ang pagkakaroon ng paperless trade o ang pagsusulong ng electronic documentation.

Naipatupad rin ang pagkakaroon ng APEC Business Travel Card upang mas mabilis at malayang makaikot ang mga negosyante sa loob ng APEC Community.

Sa taon ding ito nabigyang pansin ang sektor ng kababaihan at naging konisderasyon sa mga polisiya at inisyatibo ng APEC nang sumunod na mga taon.

Sa pagpasok ng bagong dekada, tinutukan ng APEC ang pagpasok ng globalisasyon na malaking tulong sa pagabot ng mga layunin nito at pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamayan sa Asya Pasipiko.

Noong 2000 APEC meeting sa Brunei,binuo ang action agenda for the new economy o ang pagtataguyod ng bagong industriya na may kinalaman sa teknolohiya tulad ng internet.

Layon nitong palawigin pa ang internet access sa mga bansang kasapi ng APEC.

Binuo rin ang electronic individual action plan kung saan mabilis na makikita ng ibang APEC members, businessmen, at policy makers ang mga individual action plan ng mga APEC economy.

2001 ginanap sa China ang sumunod na APEC Meeting at dito nabuo ang shanghai accord na may layuning mas mapalawak at maging updated ang APEC tungo sa inaasam nitong bukas at malayang kalakalan alinsunod sa pagpasok ng new economy na tanda naman ng pagunlad ng kalakalang pandaigdig.

Sa taong ito naganap ang terrorist attack sa World Trade Center sa Estados Unidos at noon din ay naglabas ng kauna-unahang counter terrorism statement ang APEC bilang tugon sa pangyayari.

Sa tulong ng policy frameworks na ginawa ng APEC simula nang magkaroon nito, tumaas sa $31 trillon dollars ang gross domestic product ng Asya pasipiko noong 2013.

At sa panahong ito, naisakatuparan ang mas madali at malayang proseso ng kalakaran at pamumuhunan sa mga bansang kasapi ng APEC at napasimulan ang pagbaba ng taripa at pagaalis sa ilang trade regulatory red tapes. (Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,