Budget Secretary Diokno, ‘di ikinababahala ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis

by Radyo La Verdad | May 31, 2018 (Thursday) | 2080

Hindi inaalintana ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Aniya, ‘di maikukumpara ang kasalukuyang presyo ng langis sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Bukod dito, ang nakokolekta rin aniya ng pamahalaan mula sa dagdag na buwis na ipinapataw sa langis ay ginagamit para serbisyuhan ang mga mamamayan. Kaya hindi rin dapat ihinto ngayong midyear ang excise tax sa fuel.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa gitna ng patuloy na pagtuligsa sa TRAIN law na dahilan umano ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin bukod pa sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Samantala, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, humahanap siya ng paraan para tustusan ang bilyong-bilyong pisong halaga ng pondong kailangan para ibsan ang matinding trapiko sa Edsa.

Bagaman aminado ang pangulo, na isa ring suliranin ngayon ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation.

Una nang sinabi ng Department of Finance na bahagya lang ang epekto ng TRAIN sa inflation sa bansa.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,