Naka binbin pa rin hanggang ngayon ang budget ng El Nino Task Force
Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ang budget ay nakalaan upang masolusyunan ang magiging problema sa supply ng pagkain, tubig, enerhiya at pangkabuhayan
Ngayong linggo sana nakatakdang aprubahan ng Department of Budget and Management ang budget subalit kailangan ng DBM ng panibagong report hinggil sa epekto ng El Nino sa bansa
Ayon kay DBM Secretary Butch Abad, mayroon ng pagkakamali sa naunang ulat ng PAGASA hinggil sa El Nino
Ayon sa DBM, mahirap magtakda ng halaga ng budget kung hindi kumpleto ang mga datos mula sa mga concerned agencies
Sigurado na maaapektuhan ang mitigation plan para sa el nino dahil sa pabago bagong panahon
Kompyansa naman ang DBM na sapat ang pondo na nakalaan para sa mga biktima ng bagyong Lando.
Mayroon pang 8 billion pesos na natitira para sa Calamity Fund at balak itong dagdagan ng DBM sa susunod na taon.
Bukod dito, karagdagang pondo rin ang ibibigay ng DBM para sa mga biktima ng Yolanda.
25 billion pesos para sa pabahay at 18 billion pesos naman para sa pangkabuhayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda. ( Mon Jocson / UNTV News )
Tags: DBM Secretary Butch Abad, Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan