Sa gitna ng problemang kinakaharap ngayon ng Department of Transportation and Communication bumaba pa ang panukalang budget nito na isinumite ng Department of Budget and Management para sa susunod na taon.
Sa kabuuan, nasa 45.1 billion pesos lamang ang inilaang budget para sa DOTC para sa 2016, mas mababa ng halos 10 bilyong piso kumpara sa kasalukuyang pondo na P54.4 billion.
Ang dating 2.5 billion pesos na inilaan ng DOTC para sa MRT rehabilitation ay ginawa na lamang P1.5 Billion.
Paliwanag ni DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, karamihan sa mga rehabilitasyon na gagawin sa MRT ay nakahanda na.
Dagdag pa nito nakatipid sila ng malaki dahil bumaba ang MRT subsidy ng gobyerno mula nang ipatupad ang fare hike sa MRT ngayong taon.
Samantala binawasan din ang budget ng DOTC para masolusyunan ang traffic congestion, mula sa kasalukuyang pondong P2.2B ay ginawa na lamang P1.8 Billion.
Kabilang pa sa mga ahensya at proyekto ng DOTC na binawasan ang pondo ay ang railways project na bumaba ng 14% at aviation project sa 2016 na bumaba ng 34%
Bahagya namang nadagdagan ang proposed budget ng LTO mula P2.3 Billion ngayong taon ay umakyat sa P2.34 Billion habang umakyat naman sa P343 million mula sa P338 million ang panukang pondo ng LTFRB. ( Grace Casin / UNTV News)