Budget ng DND para sa 2016 dapat dagdagan bilang paghahanda sa anumang security concerns ng bansa- Sen. Enrile

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 5583

SEN-JUAN-PONCE-ENRILE
Mismong si Senate Committee on Finance Chairperson Loren Legarda ay naniniwalang hindi sapat ang 116.2 billion na proposed budget ng Department of National Defense para sa 2016.

Ito’y sa kabila nang may dinangdan na silang 250 million pesos na augmentation budget sa committee report ng Senado.

Sang-ayon si Legarda sa panawagan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na dapat na dagdagan ang pondo ng DND.

Paniwala ni Enrile, dapat na nakahanda ang bansa lalo na sa sunod-sunod na kaguluhan na nangyayari sa ibang bansa.

“The strategic situation in the world and in this region is not very encouraging for the country there is no perceptible threat daw but it is possible, probable that we will be and as a part of the plan we will be involve in the problems that are now occuring in Europe.” pahayag ni Enrile

Unang humiling ang DND sa Department of Budget and Management ng 202.3 billion pesos ngunit ginawa na lamang ito ng House of Representatives na 115.8 billion pesos.

116.2 billion pesos namanang inaprubahan ng Senate Committee on Finance.

Ayon kay Enrile dapat higit pa sa 250 million ang idagdag sa pondo ng DND.

Bukod sa 250 million na augmentation ay may iba pang hiling na dagdag pondo mula sa Philippine Army.

Umaasa naman si Legarda na ma-aamyendahan ito ng mga senador upang ma-realign ang budget ng ilang ahensiya at madagdagan ang taunang budget ng DND.

Ayon pa kay Enrile ang pangangalaga sa seguridad ng isang bansa ay pinaglalaanan ng mahabang panahon at hindi ora-orada. (Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,