Budget deliberation sa Kamara tuloy sa kabila ng suspensyon ng pasok sa mga opisina ng gobyerno

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 2889

Tuloy parin ang budget deliberation sa House of Representatives ngayong araw sa kabila ng suspension ng pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno ngayong araw.

Ayon kay House Majority Floor Leader Cong. Rudy Fariñas kailangang tapusin ng Kamara ang deliberasyon sa 3.7-trillion pesos 2018 proposed budget upang maipasa ito sa tamang panahon.

Ngayon araw nakatakda nang ipasa ng Kamara ang panukalang pondo ng bansa.

Ayon naman kay House Secretary General Atty. Cesar Pareja, may pasok din ang lahat ng mga empleyado ng mababang kapulungan ng Kongreso.

 

Tags: , ,