Budget Deficit ng Pilipinas, bahagyang tumaas noong Pebrero – BTR

by Radyo La Verdad | April 4, 2023 (Tuesday) | 827

METRO MANILA – Batay sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury, umabot ito sa P106.4-B o mas mataas ng 0.5% kumpara sa P105.8-B deficit sa kaparehong buwan noong isang taon.

Resulta ito ng mababang revenues collection ng pamahalaan.

Kung may budget deficit, ibig sabihin ay mas malaki ang gastos kaysa sa pondo ng gobyerno.

Pangkaraniwang solusyon ng pamahalaan dito ay ang pag-utang upang mapunuan ang kakulangan ng pondo.