Personal na binisita ni Bureau of Corrections chief Ronald dela Rosa ang kulungan ng 8 high profile inmates sa loob ng custodial center ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Layon ng pagbisita na tiyakin na mahigpit ang seguridad na pinaiiral sa kulungan at walang transaksyon ng iligal na droga na nagaganap doon.
Kabilang sa mga binisita ni dela Rosa ay ang mga convicted drug lord na si Herbet Colangco, Robert Durano, Jerry Pipinonoel Martinez, Gernan Agojo, Jaime Patio, Thomas Donina at Rodolfo Magleo.
Ayon kay Bato, binalaan niya ang 8 na kahit sila ay mga ‘state witness’ ay maari silang maging ‘dying witness’; ito ay kung patuloy na sila magiging pasaway at magiging sangkot pa rin sa kalakaran ng iligal na droga.
Samantala, sinabi naman ng hepe ng BuCor na kumpyansa sa kanyang isinagawang inspeksyon.
Tiwala rin daw siya sa mga gwardya na nagbabantay doon na hindi basta basta masushulan dahil binubuo ito ng BuCor, PNP-SAF at PNP.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )