BSP, pinagpapaliwanag ng ilang senador dahil sa halos pagkakapareho ng 1000 at 100 peso bills

by dennis | May 14, 2015 (Thursday) | 2914

PERA

Pinagpapaliwanag ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel lll, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung bakit halos magkapareho ang itsura ng banknotes ng 1000 at 100 peso bills.

Ito ay matapos makatanggap ang senador ng maraming reklamo mula sa publiko na sila ay labis na nalilito sa New Generation Currency (NGC) ng mga nabanggit na bank note.

Ayon kay Pimentel, nalilito ang publiko sa NGC banknote na 1000 at 100 peso bills lalo na kung ito ay nalukot o napunit.

“The BSP should explain why they are too similar and state if there are plans to improve the situation,” pahayag ni Pimentel.

Sinabi ni Pimentel, sa ilalim ng bagong Central Bank Act o (RA No. 7653), ang BSP ay kinakailangan ng magpalit ng notes sa kahit anong series o denomination kapag ito ay mahigit na sa limang taon at ganundin sa coins kung ito ay mahigit na sa sampung taon.

Pero giit ng BSP ang NGC series ay user-friendly at madaling makita ang pagkakakilanlan dahil sa mas matingkad ang kulay nito at gumagamit sila ng distinct at primary color para dito.(Meryll lopez/UNTV Radio)

Tags: , , ,