BSP, nagbabala sa umano’y lumabas na P10,000 bill

by Radyo La Verdad | June 25, 2018 (Monday) | 9706

Nagbabala sa publiko ang Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa umano’y lumabas na ten thousand peso bill.

Sa kanilang anunsyo, nilinaw ng BSP na wala silang ginawa at inisyung ganitong klase ng New Generation Currency (NGC) banknote gaya ng mga nakikita sa ilang social media sites.

Bunsod nito, hinikayat ng BSP ang sinomang may hawak ng ganitong pera na magreport sa pulis o NBI upang matukoy ang kung sino ang nasa likod nito at makasuhan.

Sa ngayon ay anim lamang ang NGC bank notes na nasa sirkulasyon; ito ay ang 1,000, 500, 200, 100, 50 at 20 piso.

 

Tags: , ,