BSP, muling pinalawig ang palitan ng lumang pera hanggang sa katapusan ng Hunyo

by Radyo La Verdad | March 24, 2017 (Friday) | 12340


Pinalawig pang muli ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagpapalit sa lumang pera ng panibagong tatlong buwan.

Mula sa nakatakdang deadline ngayong March 31 ay palalawigin ito hanggang June 30 ngayong taon.

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, nagdesisyon ang monetary board na i-extend ang deadline upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga magpapapalit ng lumang pera.

Ayon sa opisyal, aabot pa sa two-hundred-84 pieces na 1985 old banknotes series ang hindi pa naipapalit.

Tuluyan nang made-demonetize o hindi na maaaring ipalit ang 1985 old banknotes series simula July 1.

Tags: , , ,