BSP, iniimbestigahan na ang tungkol sa P100 bills na walang mukha ni Manuel Quezon

by Radyo La Verdad | December 27, 2017 (Wednesday) | 2617

Iniimbestigahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang post ng isang netizen tungkol sa P100 bills na walang mukha ni dating Pangulong Manuel Quezon.

Ayon sa BSP, nakikipag-ugnayan na sila sa nagpost ng larawan. Sa facebook account ni Earla Anne Yehey, ipinakita nito na hawak ang isandaang piso na walang mukha ni Quezon at sa likod ay ang automated teller machine kung saan umano nito winidraw ang pera.

Umani na ito ng mahigit twenty eight thousand reactions, eight thousand comments at twenty two thousand shares.

Tags: , ,