BRP Andres Bonifacio FF17, bumiyahe na papuntang Malaysia upang dumalo sa Langkawi International Maritime Aerospace Exhibition 2017

by Radyo La Verdad | March 14, 2017 (Tuesday) | 2242


Isang send-off ceremony ang isinagawa kaninang umaga para sa Naval Task Group 80.5 lulan ng BRP Andres Bonifacio FF17 na makakasama sa Langkawi International Maritime and Aerospace Exhibition o LIMA 2017 sa Malaysia.

Alas diyes naman ng umaga ng nagsimulang maglayag ang BRP Andres Bonifacio FF17 mula sa Pier 13 South Harbor, Manila papuntang Langkawi, Malaysia.

208 na miyembro ng Phil Navy o navy contingents ang kasamang ipinadala ng Pilipinas sa LIMA 2017 na magsisimula sa March 21- 26.

Makakatulong aniya ang joint exercise sa pagbabantay ng mga border ng Pilipinas lalo na sa pagsugpo ng mga banta ng terorismo

Magkakaroon din ng chief of navy round table talks kung saan lahat ng flag officer in command sa ibang bansa ay magpupulong upang pag-usapan ang ilang naval issues

Isa pa sa mga highlight ng LIMA 2017 ang lima sea exercise na dadaluhan ng multi-national navy.

Taong 2011 pa nang huling nakasama ang Pilipinas sa biennial lima exhibition kaya’t isang karangalan para sa Phl Navy na muling makalahok dito.

Bago bumalik sa Pilipinas sa April 6,2017 ang Naval Task Group 80.5 ay dadaan din sila sa Lumut at Port Klang, Malaysia upang bisitahin ang Royal Malaysian Navy bases at mapatatag din ang samahan sa pagitan ng Phil Navy at Royal Malaysian Navy.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,