Brillantes at 7 iba pa, inireklamo ng plunder at graft

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 983

BRILLANTES
Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman si dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras laban kina dating Commission on Elections Chairmain Sixto Brillantes, ilang COMELEC officials at tauhan ng Smartmatic.

Kaugnay ito ng P240 million contract na pinasok ng COMELEC sa Smartmatic noong 2015 para sa pagsasa-ayos ng nasa walumpung libong PCOS machine.

Ayon kay Paras, nagbigay ng pabor, unwarranted benefit at undue advantage ang COMELEC sa Smartmatic dahil hindi isinailalim sa public bidding ang refurbishment ng PCOS.

Maaari din aniyang nakinabang ang COMELEC officials sa transaksyon dahil halatang pinilit maihabol ang pag-apruba ng kontrata ilang araw bago ang kanilang retirement noong February 2.

(Joyce Balancio/UNTV Radio)

Tags: ,