Brigada Eskwela Plus, ilulunsad sa Western Visayas kasabay ng pabubukas ng klase ngayong Hunyo

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 1914

LALAINE_BRIGADA-ESKWELA-PLUS
Ipapatupad ng Western Visayas Regional Police Office ang Brigada Eskwela Plus ngayong pasukan.

Layunin nito na bantayan ang mga mag-aaral na maaaring biktimahin ng mga masasamang loob gaya ng mga holdaper.

Sa ilalim ng programa, maglalagay ang PNP ng assistance desk sa mga eskwelahan, bus terminals, mall at mga kalsada sa buong school year.

Maaari itong lapitan ng mga mag-aaral at magulang na may idudulog, lalo na ang mga nabiktima ng magnanakaw na kalimitang nangyayari kapag nagpapanggap na estudyante ang mga kawatan at pumapasok sa loob ng campus.

Ilang mga estudyante din ang nananakawan ng gamit tulad ng laptop at cellphone sa mga bus terminal sa pamamagitan ng modus operandi ng mga suspek na aalukin ang biktima na tutulungang maghanap ng masasakyan ngunit aagawan pala ng gamit.

Muli ring paalala ng pnp sa mga estudyante na laging mag-ingat sa tuwing bibiyahe papunta at pauwi mula sa paaralan.

Umaasa namana ng Western Visayas Regional Police Office na maiiwasan ang mga krimen sa pag-uumpisa ng pasukan sa pamamagitan ng naturang proyekto.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,